PASAHERO BINASTOS NG  CREW NG M/V VIRGIN MARY
Isang pasahero ang sumakay sa barko na M/V Virgin Mary papuntang Maynila ng ito ay harasin ng crew ng naturang bakro. Napag-alaman na dahil sa tiket na half (1/2) fare ay binastos ang pasaherong si Manti, asawa ng kilalang pintor na si Walik ng Brgy. Ligaya, Odiongan, Romblon.
Ayon sa statement ng biktima ito diumanong tiket ay binili niya dahil hindi diumano nakasakay ang may-ari ng tikiet para kahit papano ay maka menos. Subalit ng magsimula ang inspection sa barko ay sinita ito ng crew ng naturang barko dahil napansin nito na "student fare" daw ang tiket ng biktima, subali't ng sabihin nito na magdadagdag na lang ito ng kulang na bayad ay hindi pumayag ang naturang crew ng M/V Virgin Mary bagkus ito ay binitbit at dadalhin sa isang kwarto, "mabuti na lang at nakita ako ni Dra. Del Formilleza dahil kung hindi baka kung napaano na ako". Sinabi diumano ni Dra. Formilleza sa naturang crew na "pulitiko pa naman ang amo nyo pero mga bastos kayo! Baka hindi na yan manalo pag ganyan kayo kababastos" ayon pa sa pahayag ng biktima.