IN THE NEWS
P2.5 M ROAD CONCRETING PROJECT, ISANG DIPA ANG LAPAD

SIMARA, ROMBLON - Naiinip na ang mamamayan ng bayang ito kung kailan diumano matatapos ang P2.5 M road maintenance and repair na patuloy na nabibinbin sa kasalukuyan na isang dipa lamang ang lapad na kakaiba as ibang lugar.

Ang nabanggit na proyekto ay matatagpuan sa Alegria at makikita din dito ang pinaglalagyan ng semento na napapabayaan din sa Bgy. Mahaba. Nakaimbak diumano ito malapit sa lugar ni Eddie Mazo, ang Kontaktor ng Golden Pacers na siyang nakakuha ng kontrata. Si MAzo ay dating oposisyon na kumandidato noon para Mayor ng Simara subalit ngayon ay tao na diumanao ni Gob. Madrona matapos mabiyayaan ng kontrata at kakandidato pa rin sa darating na 2004 election.

Ang mga Simarahanon ay nananawagan kay Madrona kung kailan matatapos ang nabanggit na proyekto sa kanilang lugar. Gusto na diumano nilang maniwala na ang mga pulitiko ang sanhi ng mga maraming pagkabalam at maanomalyang transakyon dahil halatado at garapalan na ang kanilang mga birada.