Other Stories
Illegal Fishers, nasakote
Kapitolyo sobrang luho
Maid wants Korena kicked-out
Protektor ng sugalan, binalik
Letter

Danao Lass: Roselyn Rase
Lasing, nag-ala Robin Padilla
Para sa Banwa
Weathervane
Ano ang aasahan kay Ylagan
Sa Harap ng salamin
Payo ni Damoyas
Sa harap ng salamin
Matagar viewpoint
Editoryal
Tinig ng kapuspalad
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Feb. Issue
Labu-labo sa Ferrol,1 patay
Comelec expects 600,000 candidates in bgy. election
Batch "99" The Freak Champion 2001
BATANG KAPATID BINARIL SI KUYA, PATAY!

Dona Juana, San Agustin - Isang bataang kapatid ang tumapos sa buhay ng kanyang kuya matapos maganap ang mainitang pagtatalo dahilan sa pagtatanggi ng huli sa utos ng tatay na umigib ng tubig sa nabanggit na baranggay mga limang(5) kilometro ang layo sa naturang bayan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Oliver Masungca y Manalon, 22 anyos, binata, magsasaka at residente rin ng naturang baranggay.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid ni SPO1 Ronnie Fajutag, may hawak ng kaso mga dakong 4:00 ng hapon noong Enero 4, 2002, inutusan ng tatay umano ng biktima na sumalok ng tubig, dahil sa pagtanggi nito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Para makaiwas sa gulo, lumayo na lang at tumungo ng bukid ang biktima. Subalit ay sinundan pa rin ito ng suspek at walang pakudangang pinaputukan ng "homemade gun" o pugakang ang biktima na siyang sanhi ng dagling kamatayan nito. Kinimkim na galit umano ang naging motibo ng pagkitil sa buhay dahilan sa pang-aabuso umano ng biktima sa kanila nang ito ay nabubuhay pa, ayon sa isang report na natanggap ng RT.
Nadakip ang suspek ng mga rumispondeng pulis sa pamumuno nina SPO1 Ronnie Fajutag, SPO1 Generoso M. Minano, PO2 Bobby Minon at PO1 Ronald Maquinto.